Ang "Filibusterismo", ni José Rizal

Alaala

sa mg̃a paring G. Mariano GOMEZ (85 taón)
José BURGOS (30 taón)
at Jacinto ZAMORA (35 taón)
na binitay sa Bagumbayan ng̃ ika 28[A] ng̃ Febrero ng̃ taóng 1872.

Sa dî pagsang-ayon ng̃ Relihion na alisán kayó ng̃ karang̃alan sa pagkaparì ay inilagáy sa alinlang̃an ang kasalanang ibinintáng sa inyó; sa pagbabalot ng̃ hiwagà’t kadilimán sa inyóng usap ng̃ Pamahalàan ay nagpakilala ng̃ isáng pagkakamalîng nágawâ sa isáng masamâng sandalî, at ang boông Pilipinas, sa paggalang sa inyóng alaala at pagtawag na kayó’y mg̃a PINAGPALA, ay hindî kiníkilalang lubós ang inyóng pagkakasala.

Samantala ng̃âng hindî naipakíkilalang maliwanag ang inyóng pagkakálahók sa kaguluhan, nagíng bayani kayó ó dî man, nagkaroon ó dî man kayó ng̃ hilig sa pagtatanggol ng̃ katwiran, nagkaroon ng̃ hilig sa kalayâan, ay may karapatán akóng ihandóg sa inyó, na bilang ginahís ng̃ kasamaáng ibig kong bakahin, ang aking gawâ. At samantalang inaantáy namin na kilalanin sa balang araw ng̃ España ang inyóng kabutihan at hindî makipanagót sa pagkakápatáy sa inyó, ay magíng putong na dahong tuyô na lamang ng̃ inyóng mg̃a liblíb na libing̃an ang mg̃a dahong itó ng̃ aklát, at lahát niyong walâng katunayang maliwanag na umupasalà sa inyóng alaala, ay mabahiran nawâ ng̃ inyóng dugô ang kaniláng mg̃a kamáy.

J. Rizal.

[A] Hindí namin binago ang 28 na nasa wikang kastila, ng̃uni’t ipinauunawa namin na ika 18 ng̃ bitayin ang mg̃a tinurang pari.—P. ng̃ T.

[7]