Ang "Filibusterismo", ni José Rizal
XXXIX
Sa kaniyáng ulilang tahanan, sa baybáy ng̃ dagát, na ang magaláw na ibabaw nitó’y nákikita sa mg̃a bukás na durung̃awan, na umaabot sa malayò, hanggáng sa makiisá sa hulíng dako ng̃ nátatanáw, ay nililibáng ni P. Florentino ang kaniyáng pag-iisá sa pamag-itan ng̃ pagtugtóg sa armonium ng̃ mg̃a malulungkót at dî masasayáng tugtugin, na sinasaliwán ng̃ maugong na aling̃awng̃áw ng̃ mg̃a alon at ng̃ bulóng ng̃ mg̃a sang̃á ng̃ kagubatang kalapít. Mang̃a tunóg na mahahabà, malalakás, mahinagpís, na warì’y mg̃a plegaria, kahì’t matitindí, ang lumálabás sa matandâng panugtóg; si P. Florentino, na isáng tunay na músiko, ay tumútugtóg ng̃ alinsunod sa biglâng udyók ng̃ kalooban at sa dahiláng siya’y nag-iisá, ay ibinúbulalás ang mg̃a kalungkutang tagláy ng̃ kaniyáng pusò.
Sadyâ ng̃âng ang matandâ’y malungkót. Ang kaniyáng mabuting kaibigan na si D. Tiburcio de Espadaña ay kaáalís pa lamang na umiilas sa pag-uusig ng̃ asawa. Nang umagang iyón ay tumanggáp ng̃ isáng sulat ng̃ isáng teniente ng̃ guardia sibil, na ang sabi ay:
“Minamahal kong Capellán: Katatanggáp ko pa lamang ng̃ isáng telegrama ng̃ komandante na ang sinasabi’y: español escondido casa Padre Florentino cojera remitirá vivo muerto. Sa dahiláng ang telegrama ay lubhâng maliwanag ay pagsabihan ninyó ang kaibigan upang huwag siyang matagpûan pagpariyan kong huhulihin siya sa ika waló ng̃ gabí.
Ang inyóng tagisuyòng,
Perez.”
Sunugin ninyó ang sulat.
—A... a.... ang Victorinang itó, ang Victorinang itó!—ang pautal-utal na sabi ni D. Tiburcio;—a.... a.... ay mangyayaring umabot hanggáng sa akó’y ipabaril.
Hindî siya napigil ni P. Florentino: walâng náhitâ sa pagpapaliwanag sa kaniya na ang ibig marahil sabihin ng̃ salitáng cojera ay cogerá; na ang kastilàng nagtatagò ay hindî [346]mangyayaring si D. Tiburcio kundî si Simoun, na may dalawáng araw pa lamang na kararatíng, na sugatán at warìng pinag-uusig, na huming̃îng patuluyin. Si D. Tiburcio ay hindî napahinuhod; ang cojera ay ang kaniya ng̃âng pagkapilay, ang tandâ niya sa katawán: yaón ay pakanâ ni Victorina na ibig siyang mátagpûáng patáy ó buháy, gaya ng̃ isinulat ni Isagani buhat sa Maynilà. At iniwan ng̃ kaawàawàng Ulises ang bahay ng̃ parì upang magtagò sa kubo ng̃ isáng mang̃ang̃ahóy.
Walâng pag-aalinlang̃an si P. Florentino na ang kastilàng hinahanap ay ang manghihiyas na si Simoun. Mahiwagà ang kaniyang pagdatíng, dugôdugûan, mapangláw at patângpatâ, na siya ang may pasán sa kaniyang takbá. Sa tulong ng̃ malayà’t masuyòng pagpapatuloy ng̃ mg̃a pilipino ay tinanggáp siya ng̃ klérigo ng̃ walâng kaanóanománg kasiyasiyasat, at sa dahiláng hindî pa umaabot sa kaniyang taing̃a ang mg̃a nangyari sa Maynilà ay hindî niya lubós na maisip ang gayóng kalagayan. Ang tang̃ìng paghuhulòng pumasok sa kaniyang pag-iisip ay ang pangyayari, na sa dahiláng umalís na ang General, ang kaibigan at nag-áampón sa mag-aalahás, marahil ang mg̃a kagalít nitó, ang mg̃a pinasláng, ang mg̃a napinsalàan, ay nang̃agsipagbang̃on ng̃ayón na sumísigáw ng̃ higantí, at siyá’y pinag-uusig ng̃ samantalang General upang makuha sa kaniyá ang kayamanang naipon. Iyán ang sanhî ng̃ pagtatanan! Ng̃unì’t ang kaniyáng mg̃a sugat ay ¿saan nagbuhat? ¿Nagtangkâ kayâng magpakamatáy? ¿yaón kayâ’y anák ng̃ paghihigantí? ¿anák kayâ ng̃ isáng kapusukán, gaya ng̃ ibig ipahiwatig ni Simoun? ¿Tinanggáp kayâ niyá yaón sa pag-ilas sa mg̃a kawal na umuusig sa kaniyá?
Ang hulíng paghuhulòng itó ang siyáng inaakalà niyáng siyáng lalòng nálalapít marahil sa katotohanan. Nakatulong pa sa pagpapatibay sa gayóng paghuhulò ang telegrama na katátanggáp pa lamang niyá at ang pagmamatigás ni Simoun sa mulâ’t mulâ pa na ayaw pagamót sa médikong nasa pang̃ulong bayan ng̃ lalawigan.
Ang tang̃ìng tinátanggáp ng̃ mag-aalahás ay ang pang̃ang̃alagà ni D. Tiburcio at yaón pa man ay napagháhalatâng walâ siyáng tiwalà. Sa pangyayaring itó’y itinátanóng sa sarili ni P. Florentino ¿anó ang dapat niyáng gawín pagdatíng ng̃ guardia sibil na huhuli kay Simoun? Sa kalagayan [347]ng̃ may sakít ay hindî mangyayari ang gumaláw at lalò pa mandíng hindî mangyayari ang maglakbáy ng̃ mahabà.... Ng̃unì’t sinasabi ng̃ telegrama na patáy ó buháy......
Si P. Florentino ay humintô sa pagtugtóg at lumapit sa durung̃awan upang tanawín ang dagat. Ang patag na ibabaw, na walâ ni isá mang daóng, ni isá mang layag, ay walâng maiudyók sa kaniyá. Ang pulông maliit na nátatanáw na nag-íisá sa malayò, ay walâng sinasabi sa kaniyá kundî ang tagláy na pag-iisá at lalò pa mandíng nagpapakilala nang pagkaulila ng̃ tinátanáw na kalawakan. Ang walâng hanggáng kalawakan kung minsan ay pipingpipi.
Tinangkâ ng̃ matandâng hulàan ang ng̃itîng malungkót at pakutyâ na isinalubong ni Simoun sa balitàng siya’y huhulihin. ¿Anó ang kahulugán ng̃ ng̃itîng iyon? ¿At ang isá pang ng̃itî, na lalò pang malungkót at pakutyâ nang mabatíd na sa ika waló pa ng̃ gabí magsisidatíng? ¿Anó ang ibig sabihin ng̃ hiwagàng iyon? ¿Bákit ayaw magtagò si Simoun?
Sumaalaala niya yaóng bantóg na tinuran ni San Juan Crisóstomo nang ipinagtanggól ang eunuco na si Eutropio: “¡Kailan man ay hindî nagíng lalòng kapit na dî gaya ng̃ayón sabihíng: Kapalalùán ng̃ mg̃a kapalalùán at ang lahát ay kapalalùán!”
—Oo, ang Simoung yaón na nápakayaman, makapangyarihan, kinatatakutan, nang walâ pang iisáng linggó ang nakararaan, ng̃ayón, ay sawîng kapalaran pa kay Eutropio, humahanap ng̃ matutuluyan, at hindî sa mg̃a dambanà ng̃ isáng simbahan, kundî sa dukhâng bahay ng̃ isáng klérigong indio, na liblíb sa kagubatan, sa ulilang baybáy ng̃ dagat! Kapalalùán ng̃ mg̃a kapalalùán at ang lahát ay kapalalùán! At ang taong yaón, sa loob ng̃ iláng oras, ay huhulihin, aalisín sa hihigáng kinahihiligan, na dî igagalang ang kaniyáng kalagayan, dî bibigyáng halagá ang kaniyáng mg̃a sugat, sa patáy ó buháy ay hiníhing̃î siya ng̃ kaniyáng mg̃a kaaway! ¿Papano ang pagliligtás sa kaniyá? ¿Saan mátatagpô ang mg̃a bigkás na nakaaakit ng̃ obispo sa Constantinopla? Anó ang kapangyarihan ng̃ kaniyáng mg̃a dukhâng salitâ, ang salitâ ng̃ isáng klérigong indio, na ang kaniyáng kaapihán ay warìng ikinagágalák at iniuudyók pa ng̃â ng̃ Simoung iyon nang panahóng siya’y nagtatagumpáy.
[348]Hindî na naaalaala ni P. Florentino ang pawalâng bahalàng pagtanggáp sa kaniyá ng̃ manghihiyás, na may dalawáng buwan pa lamang ang nakararaan, nang siya’y pinakiusapan tungkól kay Isagani na náhuli dahil sa isáng walâng hunos dilìng sigabó ng̃ kalooban; nalimot ang pagsusumakit ni Simoun upang mádalî ang pag-aasawa ni Paulita, pag-aasawang siyang nag-abóy kay Isagani sa isáng matindíng pag-ilag sa kapuwâ tao, na siyang ikinababalino ng̃ amaín: nalimot ni P. Florentino ang lahát, at walâng naáalaala kundî ang kalagayan ng̃ may sakít, ang kaniyáng katungkulan sa pagka may bahay, at sinasaliksík ang kaniyáng pag-iisip, ¿Dapat niyáng itagò upang huwag masunód ang nasà ng̃ may kapangyarihan? Ng̃unì’t ang may katawán ay walâng kaligáligalig: ng̃umîng̃itî....
Itô ang sumásaisip ng̃ mabuting matandâ nang dumatíng ang isáng alilà at sinabi sa kaniyáng ibig siyang mákausap ng̃ may sakít. Tumung̃o sa kanugnóg na silíd, na malinis at maaliwalas na tahanan, na ang pinakasahíg ay malalapad na tabláng makikintáb at makikinis, na may malalakí’t mabibigát na sillon, na may matandâng ayos, walâng barnis ni mg̃a dibuho. Sa isáng dako ay may isáng katreng kamagóng na may kaniyáng apat na haliging pumipigil sa lalagyán ng̃ kulambô, at sa siping ay may isáng mesa na punô ng̃ mg̃a botella, hilatsá ng̃ mg̃a putol putol na kayo. Ang isáng luhuran sa dakong ibabâ ng̃ isáng Cristo at isáng muntîng aklatan ang nagpapakilalang yaón ang silíd ng̃ parì, na ipinagamit sa tumuloy, alinsunod sa ugalìng pagpapatuloy ng̃ mg̃a pilipino na ipagkaloob sa nanunuluyan ang lalòng masaráp na pagkain, ang lalòng mabuting silíd at ang lalòng mabuting hihigán sa loob ng̃ bahay. Nang mákitang bukás na bukás ang lahát ng̃ durung̃awan upang bayaang makapasok ang dalisay na hang̃in sa dagat at ang aling̃awng̃áw ng̃ kaniyáng walâng patíd na hinagpís, ay walâng makapagsasabi sa Pilipinas na doo’y may isáng may karamdaman, sapagkâ’t nákaugaliang ilapat ang mg̃a bintanà at sampû ng̃ lalòng maliliit na puang kailan pa ma’t may isáng sinisipón ó kayâ’y nagdáramdám ng̃ muntîng sakít ng̃ ulo na walâng kakabúkabuluhán.
Tuming̃ín si P. Florentino sa dako ng̃ hihigán at namanghâ siya nang makitang walâ na sa mukhâ ng̃ may sakít ang anyông palagáy at pakutyâ. Isáng lihim na sakít ang warì’y nagpapakunót sa kaniyáng kilay, sa kaniyáng paning̃ín ay namamalas [349]ang dî kapalagayang loób at ang kaniyáng bibíg ay nápapang̃iwî dahil sa isáng ng̃itîng lipos ng̃ sakit.
—¿Nahihirapan bagá kayó, ginoóng Simoun?—ang masuyòng tanóng ng̃ parìng lumapit.
—Kauntî, ng̃unì’t sa loób ng̃ iláng sandalî, ay matatapos na ang paghihirap ko—ang tugón na iginaláw ang ulo.
Sindák na pinapagduop ni P. Florentino ang mg̃a kamáy, dahil sa warìng nákilala ang kakilákilabot na katotohanan.
—¿Anó ang ginawâ ninyo, Dios ko? ¿Anó ang inyóng ininóm?—at iniunat ang kamáy sa dakong kinalalagyán ng̃ mg̃a botella.
—Walâ nang magagawâ! walâ ng̃ lunas!—ang sagót sa tulong ng̃ kasakitsakit na ng̃itî—¿anó ang ibig ninyóng gawín ko? bago tumugtóg ang iká waló... Sa patáy ó sa buháy.... patáy ay oo, ng̃unì’t buháy ay hindî.
—¡Dios ko, Dios ko! ¿anó ang ginawâ ninyó?
—Huminahon kayó—ang putol ng̃ may sakít sa tulong ng̃ isáng galáw ng̃ mukhâ—ang nagawâ’y nagawâ na. Hindî dapat na akó’y mahulog na buháy sa kamáy ng̃ sino man.... maaarìng makuha ang aking lihim. Huwág kayóng magambalà, huwág kayóng malitó, walâ nang magagawâ.... Pakinggán ninyó akó! Sasapit na ang gabí at kailang̃ang huwág mag-aksayá ng̃ panahón.... kailang̃an kong sabihin sa inyó ang aking lihim, kailang̃an kong ipagkatiwalà sa inyó ang hulí kong nasà.... kailang̃an kong mákilala ninyó ang aking kabuhayan.... Sa mg̃a sandalîng itó na katang̃îtang̃ì ay ibig kong iibís sa akin ang isáng pasanin, ibig kong paliwanagan ninyó sa akin ang isáng pag-aalinlang̃an.... kayóng may malakíng pananalig sa Dios.... ibig kong sabihin ninyó sa akin kung may isáng Dios!
—Ng̃unì’t isáng panglunas sa lason, ginoóng Simoun.... mayroón akóng apomorfina.... mayroón akóng eter, cloroformo....
At humahanap ang parì ng̃ isáng botella hanggáng si Simoun ay yamót na sumigáw.
—Walâ nang mangyayari.... walâ nang mangyayari! Huwag kayóng magaksayá ng̃ panahón! Yayaon akóng dalá ang aking lihim.
Ang klérigo’y litóng nagpatiluhód sa kaniyáng reclinatorio, [350]nanalang̃in sa paanan ng̃ Cristo, isinubsób ang mukhâ sa dalawáng kamáy at pagkatapos ay tumindíg na walâng imík at kagalanggalang na warìng tinanggáp sa kaniyáng Dios ang boông bagsík, ang boông sanghayâ, ang boông kapangyarihan ng̃ isáng Hukom ng̃ mg̃a budhî. Inilapit ang isáng sillón sa dakong ulunán ng̃ may sakít at humandâng making̃íg.
Sa mg̃a unang salitâng ibinulóng sa kaniyá ni Simoun, nang sabihin sa kaniyá ang tunay na pang̃alan, ay nápaurong ang matandâng parì at tiningnáng lipús sindák ang kaharáp. Ang may sakít ay malungkót na ng̃umitî. Dahil sa pagkakábiglâ ay hindî nasupil ang sarili, ng̃unì’t madalîng nakapagpigil, at matapos na matakpán ng̃ panyô ang mukhâ ay mulîng tumung̃ó upang making̃íg.
Isinalaysáy ni Simoun ang kaniyáng kasakitsakit na kabuhayan, ang pangyayaring may labíng tatlóng taón na, nang magbalík siyang galing sa Europa, na punô ng̃ pag-asa at magagandáng pang̃arap, ay umuwî siya upang mákasal sa isáng binibining iniírog, at laán sa paggawâ ng̃ kabutihan at magpatawad sa lahát nang gumagawâ sa kaniyá ng̃ masamâ, bayaan lamang siyang mabuhay nang mapayapà. Hindî nagkágayón. Isáng mahiwagàng kamáy ang nag-abóy sa kaniyá sa gitnâ ng̃ isáng kaguluhang gawâgawâ ng̃ kaniyáng kalaban; pang̃alan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayàan, nawalâ sa kaniyá ang lahát at nakaligtás lamang sa kamatayan dahil sa kagiting̃án ng̃ isáng kaibigan. Sa gayó’y isinumpâ niyang maghihigantí. Nagtanan siyang dalá ang kayamanan ng̃ kaniyáng kaanak, na nábabaón sa isáng gubat, nagtung̃o sa ibáng lupaín at inatupag niya ang pang̃ang̃alakal. Nakilahók sa himagsikan sa Cuba, na tinulung̃an ang magkabilâng pangkát, ng̃unì’t saan man, siya’y nakikinabang. Doon niya nákilala ang General, na noo’y komandante, na nagíng kakilala niyá dahil sa pang̃ung̃utang sa kaniyá at pagkatapos ay nagíng kaibigan dahil sa iláng kataksiláng ginawâ na alám ng̃ magaalahás ang lihim. Siyá, sa tulong ng̃ salapî ay nakuha niyáng máparito ang General, at nang nasa Pilipinas na ay ginawâ niyáng isáng bulág na kasangkapan at iniabóy niyá sa paggawâ ng̃ lahát ng̃ kasamâán na ang ginawâ niyáng pain ay ang walâng habas na katakawan sa salapî.
Ang pang̃ung̃umpisál ay nagíng mahabà at mabigát, ng̃unì’t sa boông hinabàhabà ay hindî nagpahalatâ ng̃ anománg [351]pagkakagulat ang nagpapakumpisál at bíbihiràng pinatlang̃án ang may sakít. Gabí na nang si P. Florentino, ay tumindíg na pinapahid ang pawis sa mukhâ at nag-isíp. Mahiwagàng kadilimán ang naghaharì sa loob ng̃ silíd, na pinúpunô ng̃ sinag ng̃ buwán, na pumapasok sa mg̃a durung̃awan, ng̃ liwanag na malamlám at pang̃ang̃aninag na warì’y sing̃áw.
Sa gitnâ ng̃ katahimikan, ang ting̃ig ng̃ parì ay náding̃íg na malungkót, banayad, ng̃unì’t mahimok:
—Patatawarin kayó ng̃ Dios, ginoong.... Simoun,—ang sabi:—batíd Niyáng tayo’y anák sa pagkakámalî, nakita Niyá ang inyóng tiniís, at sa pagpapahintulot na mátagpûán ninyó ang kaparusahán ng̃ inyóng mg̃a sala sa pagtatamó ng̃ kamatayan sa kamáy din ng̃ mg̃a iniabóy ninyó, ay nakikita natin ang Kaniyáng walâng hanggáng awà! Siya ang sumiràng isá-isá sa inyóng mg̃a paraan, ang lalòng mabubuti ang pagkakabalak, ang una sa pagkamatáy ni María Clara, makaraan yaón ay dahil sa isáng pagkakáling̃át, at pagkatapos ay sa isáng paraang lubhâng mahiwagà.... ¡sundín natin ang kaniyáng kalooban at pasalamatan natin Siya!
—Sa ganáng inyó,—ang mahinàng sagót ng̃ maysakít,—ang kalooban niya ay, na, ang mg̃a pulông itó’y....
—Magpatuloy sa kalagayang kinasasadlakán?—ang dugtóng ng̃ klérigo nang makitang ang isá’y humintô.—Hindî ko maalaman, ginoo; hindî ko matahô ang inaakalà noong Hindî malirip! Batíd kong hindî pinabayàan sa mg̃a mahihigpít na sandalî ang mg̃a bayang nananang̃an sa Kaniya at Siya ang ginawâng hukom ng̃ kaniláng pagkasiíl; alám ko na ang Kaniyang bisig ay hindî nawalâ kailan man kapag niyuyurakan na ang katwiran at ubós na ang lahát ng̃ paraan, ay humawak na ng̃ sandata ang sinisiíl at nakipaglaban nang dahil sa kaniyang tahanan, dahil sa kaniyang asawa, dahil sa kaniyang mg̃a anák, dahil sa kaniyang mg̃a dî maitatakwíl na karapatán, na, gaya ng̃ sabi ng̃ makatàng alemán, ay kumíkináng ng̃ walâng pagkaagnás at matibay doon sa kaitaasan ng̃ mg̃a walâng pagkapawìng mg̃a bituín! Hindî, ang Dios na siyang katwiran, ay hindî mangyayaring magpabayà sa kanìyang layon, ang layong kalayàan na kung walâ ay walâ namáng katwiran!
—¿Kung gayón ay bakit ipinagkaít sa akin ang kaniyang [352]tulong?—ang tanóng ng̃ ting̃ig ng̃ maysakit, na lipús hinanakít.
—Sapagkâ’t pinilì ninyó ang isáng paraan na hindî Niya masasang-ayunan!—ang sagót ng̃ parì na matigás ang boses—ang kaluwalhatìang pagliligtás sa isáng bayan ay hindî kakamtín ng̃ isáng nákatulong sa pagpapahirap sa kaniya! Inakalà ninyóng ang dinung̃isan at sinirà ng̃ pagkakasala at kasamâán ay nangyayaring malinis at mailigtás ng̃ isá ring pagkakasala at isá ring kasamâán! Kamalìan! Ang pagtataním ay walâng ibubung̃a kundî kakilakilabot na anyô; ang sala ay mg̃a salarín; tang̃ìng ang pag-ibig ang nakagagawá ng̃ mg̃a bagay na kahang̃àhang̃à, ang kabaitan lamang ang nakapagliligtás! Hindî; kung balàng araw, ang ating bayan ay magiging malayà ay hindî dahil sa masasamâng hilig at pagkakasala, hindî sa paraang pasamâín ang kaniyang mg̃a anák, dayàin ang ilán, bigyán ng̃ salapî ang ibá, hindî; ang kaligtasan ay may kahulugáng kabanalan, ang kabanalan ay pagtitiís at pag-ibig.
—Siya! tinatanggáp ko ang inyóng sabi,—ang tugón ng̃ maysakít, makaraan ang isáng sandalî;—akó’y námalî; ng̃unì’t sa dahiláng akó’y námalî ¿ay ipagkákaít na ba ng̃ Dios na iyan ang kalayàan sa isáng bayan at ililigtás ang maraming lalò pang salarín kay sa akin? ¿anó na lamang ang kamalìan ko sa piling ng̃ mg̃a pagkakasala ng̃ mg̃a namamahalà? ¿Bakit pahahalagahán pa ng̃ Dios na iyan ang aking kabuktután kay sa mg̃a daíng ng̃ nápakaraming walâng sala? ¿Bakit hindî akó sinugatan at pinagtagumpáy pagkatapos ang bayan? ¿Bakit binabayàang magtiís ang gayóng karaming mg̃a karapatdapat at mg̃a tapát na loob at nasisiyaháng walâng katigátigatig sa kaniláng mg̃a paghihirap?
—Ang mg̃a tapát na loob at ang mg̃a karapatdapat ay kailang̃ang mang̃agtiís upang ang kaniláng mg̃a adhikâ’y mákilalà’t lumaganap! Kailang̃ang iwaksí ó basagin ang sisidlán upang halimuyak ang bang̃ó, kailang̃ang pingkîín ang bató upang sumipót ang apóy! Mayroon ding pasiya ng̃ kalang̃itán sa mg̃a paguusig ng̃ mg̃a maniniíl, ginoong Simoun!
—Alám ko,—ang bulóng ng̃ may sakít—kayâ ng̃â’t inudyukán ko ang kabang̃isan....
—Tunay, kaibigan ko, ng̃unì’t ang lalòng maraming sumabog ay ang may tagláy na kabulukán! Pinalusog ninyó [353]ang kabulukán sa kapamayanan nang hindî naghasík ng̃ anomang adhikâín. Sa pagtitiím na iyan ng̃ mg̃a masasamâng hilig ay walâng sisipót kundî ang pananawà, at kung mayroon mang biglâng sumipót, ay hindî mangyayaring hindî kabutí lamang, sapagkâ’t sa biglâbiglâan ay walâng sisipót sa layák kundî ang kabutí. Tunay ng̃â’t ang mg̃a masasamâng hilig ng̃ isáng pamahalàan ay makamamatáy sa kaniya, ng̃unì’t pumapatáy din namán sa kapisanang pinangyayarihan ng̃ gayón. Sa isáng pamahalàan na may masamâng hilig ay bagay ang isáng bayang walâng tuus; sa pang̃asiwàang walâng budhî ay mg̃a mámamayang maninibad at mapang̃ayupapà sa loob ng̃ bayan, ng̃unì’t mg̃a tulisán at magnanakaw sa mg̃a kabundukan! Kung anó ang pang̃inoon, gayón ang alipin. Kung anó ang pamahalàan, gayón ang bayan.
Nagharì ang sandalîng pananahimik.
—Kung gayó’y ¿anó ang nararapat gawín?—ang tanóng ng̃ ting̃ig ng̃ may sakít.
—¡Magtiís at gumawâ!
—¡Magtiís.... gumawâ!—ang malungkót na ulit ng̃ may sakít—¡ah! madalîng sabihin iyan kapag hindî nagtitiís.... kapag ang paggawâ ay pinapagkákamít ng̃ gantíng-palà!.... Kung hiníhing̃án ng̃ inyóng Dios ang tao ng̃ gayóng karaming mg̃a paghihirap, ang taong babahagyâ nang makapanang̃an sa kasalukuyan at nag-aalinlang̃an sa mangyayari sa kinabukasan; kung nakákita lamang kayó ng̃ gaya ng̃ mg̃a nápagkitá kong mg̃a marálitâ, mg̃a kahabághabág na nang̃agbatá ng̃ katakot-takot na pahirap dahil sa mg̃a pagkakasalang hindî nilá ginawâ, mg̃a pagpatáy upang mapagtakpán ang sala ng̃ ibá ó ang dî kasapatán sa panunungkulan, mg̃a kaawàawàng amá na inagaw sa kaniláng tahanan upang gumawâ ng̃ walâng kapararakan sa mg̃a lansang̃an na nasisirà sa tuwîng umaga at warìng naglilibáng lamang sa pagsusugbá sa mg̃a boô boông magkakaanak sa karalitàan.... ¡ah! magtiís.... gumawâ.... siyang kalooban ng̃ Dios! Papanaligin ninyó silá na ang kaniláng pagkamatáy ay siya niláng kaligtasan, na ang kaniláng paggawâ ay siyang ikagiginhawa ng̃ kaniláng tahanan! Magtiís.... gumawâ.... ¿Anóng Dios iyan?
—Isáng Dios na lubhâng matapát, ginoong Simoun—ang sagót ng̃ parì;—isáng Dios na nagpaparusa sa kakulang̃án natin sa pananalig, sa ating masasamâng hilig, sa muntîng [354]pagpapahalagá natin sa karang̃alan, sa ating pagkamámamayán.... Pinababayàan natin at tayo’y nagiging katulong ng̃ masamâng hilig, kung minsan pa’y ating pinupuri ang gayón; kayâ’t dapat, lubhâng nárarapat na batahín natin ang ibubung̃a at batahín din namán ng̃ ating mg̃a anák. Ang Dios ng̃ kalayàan, ginoong Simoun, na siyang nag-uutos sa ating ibigin itó, at ginagawâng magíng mabigát sa atin ang pasanin; isáng Dios ng̃ kaawàan, ng̃ pagpapantáypantáy, na sabáy sa pagpaparusa sa atin ay pinabubuti tayo, at ang binibigyán lamang ng̃ mabuting kalagayan ay yaóng nararapat bigyán dahil sa kaniyáng pagsusumakit; ang paaralan ng̃ pagtitiís ay nakapagpapatibay, ang kaparang̃an ng̃ tunggalìan ay nakapagpapalakás sa mg̃a káluluwa. Hindî ko ibig sabihin na ang ating kalayàan ay tuklasín sa talas ng̃ sandata; ang espada ay dî lubhâng kagamitán sa mg̃a bagong kabuhayan, ng̃unì’t, oo, ating tutuklasín sa pamagitan ng̃ karapatán, sa pamagitan ng̃ pagpapataás ng̃ urì ng̃ katwiran at ng̃ karang̃alan ng̃ tao, na ibigin ang tapát, ang mabuti, ang dakilà, hanggáng sa mamatáy ng̃ dahil dito, at kapag ang isáng bayan ay nakasapit na sa gayóng kalagayan, ang Dios ay nagbibigáy ng̃ sandata, at lumálagpák ang mg̃a diosdiosan, lumálagpák ang mg̃a maniniíl na warì’y mg̃a kastilyong baraha at kumikináng ang kalayàan na kasabáy ng̃ unang liwaywáy! Ang ating kasamâán ay sa atin din buhat, huwág nating sisihin ang kahì’t sino. Kung nákikita ng̃ España na tayo’y hindî lubhâng masunurin sa pagpapahirap, at handâ sa pakikipagtunggalî at pagtitiís ng̃ dahil sa ating mg̃a karapatán, ang España ay siyá nang unaunang magbibigáy sa atin ng̃ kalayàan, sapagkâ’t kapag ang bung̃a ng̃ paglilihí ay dumatíng na sa pagkahinóg ay ¡kahabághabág ang ináng magtangkâng doo’y lumunod! Subalì’t samantalang ang bayang pilipino ay walâ pang sapát na katigasang loób upang ipahayag, na mataás ang noo at lantád ang dibdib, ang kaniyáng karapatán sa pamamayan at patibayan itó sa pamagitan ng̃ mg̃a paghihirap, ng̃ kaniyáng sariling dugô; samantalang nákikita natin ang ating mg̃a kababayan, sa kaniláng sariling pamumuhay ay magdamdám hiyâ sa sariling kaloobán, máding̃íg ang sigáw ng̃ kaniyáng budhî na nagbabalikwás at tumútutol, at sa lantarang pamumuhay ay hindî umímík, makisama sa pumápasláng upang kutyaín ang pinasláng; samantalang [355]nákikita nating naninirahan sa labis na pagling̃ap sa sarili at pinupuri sa tulong ng̃ pilít na ng̃ití ang lalòng mahahalay na kagagawán, at nagmamakaawàng hiníhing̃î, sa pamagitan ng̃ ting̃ín, ang isáng bahagi ng̃ nápalâ ¿anó’t bibigyán silá ng̃ kalayàan? Sa piling ng̃ España ó hiwaláy sa España silá’y hindî mag-iibá, at marahil, marahil ay lalò pang sásamâ! ¿Anó ang kailang̃an ng̃ pag-sasarilí kung ang mg̃a alipin sa ng̃ayon ay siyang magiging mániniíl bukas? At gayón ng̃â ang káuuwîan nilá sapagkâ’t umiibig sa paniniíl ang sumasailalim nitó! Ginoong Simoun, samantalang ang ating bayan ay hindî pa náhahandâ, samantalang tumutung̃o sa labanán nang nadadayà ó naiaabóy, na walâng lubós na kaalamán sa gágawín, ay masisirà ang lalòng matalinong pagtatangkâ at mabuti pa ng̃â ang masirà sapagkâ’t ¿anó’t ibibigáy ang asawa sa lalaki kung hindî lubós na iniirog at hindî nálalaáng magpakamatáy nang dahil sa kaniyá?
Náramdamán ni P. Florentino na pinigilan ng̃ may sakít ang kaniyáng kamáy at pinisíl; humintô na inantáy na magsalitâ, ng̃unì’t ang tang̃ìng náramdamán niya ay ang dalawá pang pisíl, nakading̃íg ng̃ isáng buntónghining̃á at mahabàng katahimikan ang naghari sa loób ng̃ silíd. Ang dagat lamang, na ang mg̃a alon ay nang̃agsilakí dahil sa hang̃in sa gabí na warìng nágisíng sa init ng̃ umaga, ang nagtatapon ng̃ kaniyáng paós na ung̃ol, ng̃ kaniyáng walâng katapusáng awit, pag bayó sa mg̃a nagtayông talampás. Ang buwan, na walâ nang kalabang araw, ay payapàng nagtatalík sa lang̃it, at ang mg̃a punò sa gubat na nang̃agyuyukùan ay nagsasalaysayan ng̃ kaniláng matatandâng alamát sa pamag-itan ng̃ mahiwagàng bulung̃an na ipinaghahatidhatiran ng̃ hang̃in.
Nang mákitang walâng sinasabi sa kaniyá ang may sakít, si Padre Florentino ay bumulóng na warì’y natutubigan dahil sa isáng iniisip:
—¿Násaan ang kabatàan na maglálaán ng̃ kaniláng mg̃a magagandáng sandalî, mg̃a pang̃arap at kasigabuhán sa ikabubuti ng̃ kaniláng bayan? ¿Násaan ang maling̃ap na magbúbubô ng̃ kaniyáng dugô upang hugasan ang ganiyáng maraming kahihiyán, ang gayón karaming pagkakasala, ang gayón karaming bagay na kamuhîmuhî? Malinis at walâng bahid dung̃is ang kailang̃ang magíng buhay na alay upang ang handóg ay magíng karapatdapat!.... ¿Saan kayó nang̃ároón, [356]mg̃a kabinatàan, na magtátagláy ng̃ lakás ng̃ buhay na tumanan na sa aming mg̃a ugát, ang kalinisan ng̃ mg̃a pagkukurò na nadung̃isan sa aming mg̃a kaisipán at ang lagabláb ng̃ sigabó na namatáy na sa aming mg̃a pusò?.... Inaantáy namin kayó, oh mg̃a binatà, halíkayó at kayó’y aming ináantáy!
At sa dahiláng náramdamáng ang kaniyáng mg̃a matá’y pinang̃ing̃ilirán ng̃ luhà ay binitiwan ang kamáy ng̃ maysakít, tumindíg at lumapit sa durung̃awan upang tanawín ang malawak na dagat. Iláng mahinàng katóg sa pintûan ang pumukaw sa kaniyá sa gayóng pag-iisíp. Yaón ay ang alilà na nagtatanóng kung magsísindí ng̃ ilaw.
Nang ang parì’y lumapit sa may sakít at nakita itó, sa tulong ng̃ liwanag ng̃ lámpara, na hindî kumikilos, nakapikít ang mg̃a matá, ang kamáy na pumigil sa kaniyáng kamáy ay nakabuká at nálalahad sa gilid ng̃ hihigán, ay inakalà niyáng natutulog; ng̃unì’t nang máramdamáng hindî humíhing̃á, ay marahan niyáng hinipò at sakâ pa lamang náhalatâng patáy: untî-untî nang lumálamíg.
Nang magkágayó’y lumuhód at nanalang̃in.
Nang tumindíg at pinagmasdán ang bangkáy na sa mukhâ’y nábabakás ang isáng matindíng hapis, ang sakit ng̃ isáng boông buhay na walâng kabuluhán, na tinagláy hanggáng sa dako pa roon ng̃ kamatayan, ay nang̃ilabot ang matandâ at bumulong na:
—¡Kaawâán nawâ ng̃ Dios ang mg̃a naglikô sa kaniyá ng̃ daan!
At samantalang ang mg̃a alilàng tinawag niyá ay nang̃agsísiluhód at nang̃agdádasál ng̃ patungkól sa namatáy, mg̃a alilàng maurirà at nang̃alílibáng sa pagting̃ín sa hihigán at inuulit-ulit ang mg̃a sunód sunód na requiem, ay kinuha ni P. Florentino sa tatagûán ang bantóg na takbáng bakal na kinalalagyán ng̃ malakíng kayamanan ni Simoun. Iláng sandalîng nag-alinlang̃an, dátapwâ’y biglâng pumanaog sa hagdanang dalá ang takbá, na may tangkâ nang gágawín, tínung̃o ang batóng lagìng inuupán ni Isagani upang siyasatin ang kailaliman ng̃ dagat.
Tuming̃ín si P. Florentino sa dako ng̃ kaniyáng paanan. Sa ibabâ’y nákikita ang paghampás sa mg̃a ukab ng̃ bató ng̃ mg̃a maiitím na alon ng̃ Pasípiko, na lumilikhâ ng̃ mauugong [357]na kulóg, na sabáy sa pagniningníng na warì’y apóy ng̃ mg̃a alon at mg̃a bulá, dahil sa tamà ng̃ sinag ng̃ buwan, na warì’y dakótdakót na brillante na inihahagis sa hang̃in ng̃ isáng gawi ng̃ kailaliman. Tumanáw sa boô niyang paligid. Nag-íisá siya. Ang ulilang baybayin ay nagtátapós sa malayò na warì’y isáng paguulap, na pinapawì untî-untî ng̃ buwan hanggáng sa makiisà sa lalòng malayòng dako na abot ng̃ tanáw. Ang kagubatan ay bumúbulóng ng̃ mg̃a ting̃ig na walâng linaw. Sa gayó’y inihagis ng̃ matandâ na itinapon sa dagat ang takba, sa tulong ng̃ kaniyáng malalakás na bisig. Umikit na makáilan at matuling tumung̃o sa kailaliman na gumuhit ng̃ pabalantók at naglarawan sa kaníyáng makinis na ibabaw ng̃ iláng malamlám na sinag ng̃ buwán. Nakita ng̃ matandâ ang pagtilampon ng̃ mg̃a paták, nakáding̃íg ng̃ isáng buluwák at naghilom ang tubig matapos malamon ang kayamanan. Nag-antabáy ng̃ iláng sandalî upang tingnán kung may isasaulî ang kailaliman, ng̃unì’t mulîng naghilom ang mg̃a alon na mahiwagàng gaya ng̃ dati, at hindî naragdagán ng̃ isá mang kutón ang kaniyáng kulót na ibabaw, na warìng sa nilapadlapad ng̃ dagat ay walâng nahulog kundî isáng muntîng bató lamang.
—¡Itagò ka ng̃ Kalikasán sa kailaliman na kasama ng̃ mg̃a korales at mg̃a perlas ng̃ kaniyáng walâng pagkapawìng mg̃a dagat!—ang sabi ng̃ klerigo na iniunat ang kamáy.—Kapag sa isáng banal at mataás na layon ay kakailang̃anin ka ng̃ mg̃a tao, ay mátututuhan kang kunin ng̃ Dios sa sinapupunan ng̃ mg̃a alon.... Samantala, diyán ay hindî ka makagagawâ ng̃ kasamâán, hindî mo ililikô ang katwiran, hindî ka mag-uudyók sa kasakimán!....
Wakás ñg “Ang Filibusterismo”.
Talâ ng Tagapagsalin
Ang pabalat ay ginawa ng tagapagsalin gamit ang isang larawan mula sa aklat. Ito ay inilalagay sa public domain.
Ang mga larawan ng mga pahina (page scans) na pinagbatayan ng e-text na ito ay matatagpuan sa archive.org/details/angfilibusterism00riza.
May mga ibang edisyon ng nobelang ito sa Project Gutenberg:
- El Filibusterismo (Continuación del Noli me tángere), sa orihinal na Kastila, sa gutenberg.org/ebooks/30903
- The Reign of Greed: A Complete English Version of El Filibusterismo, salin ni Charles E. Derbyshire, sa gutenberg.org/ebooks/10676
Ang sinundang nobelang Noli Me Tángere ay may Tagalog na edisyon na salin ni Pascual Hicaro Poblete sa gutenberg.org/ebooks/20228.
Ang mga ilang bilang ng pahina ay wala dahil sa mga tinanggal na blankong pahina.
Ang Indice ay inilipat mula sa hulihan ng teksto, at iwinasto ang mga maling bilang ng pahina dito.
Isinaayos ang pagbabantas (punctuation).
Walang binago sa mga salita sa orihinal, kabilang ang mga di pagkakatulad sa pagbabaybay, paggamit ng gitling, paggamit ng mga tuldik, at pag-eestilo sa teksto, maliban lamang sa mga sumusunod:
- Pahina 8, “masumpung̃in” binago mula sa “masumpug̃in” (ng̃ batàng masumpung̃in); “tang̃ìng” mula sa “tangìng” (tang̃ìng babaing nakiupô).
- Pahina 9, “mag-aalahás” binago mula sa “mag-alahás” (at isáng mayamang mag-aalahás).
- Pahina 13, “pisng̃í” binago mula sa “pisg̃í” (bahagi ng̃ mg̃a pisng̃í).
- Pahina 14, “Mœris” binago mula sa “Mæris” (ang lawàng Mœris).
- Pahina 16, “panukalàng” binago mula sa “panukulàng” (panukalàng may malalakíng salitâ).
- Pahina 17, “munakalà” binago mula sa “munukalà” (mg̃a munakalà ni D. Custodio).
- Pahina 18, “ng̃” binago mula sa “ng” (makabatíd ng̃ bagay na iyan); “paning̃ín” mula sa “paningín” (ang magkaroon ng̃ paning̃ín); “Custodio” mula sa “Cus. todio” (ang ulit ni D. Custodio).
- Pahina 20, “epicúreo” binago mula sa “epícuro” (sa mukhâ niyang epicúreo).
- Pahina 22, “bumibilí” binago mula sa “bnmibilí” (hindî bumibilí ng̃ mg̃a hiyás); “Isagani” mula sa “Isigani” (sinikóng palihím si Isagani).
- Pahina 24, “pagmamamana” binago mula sa “pamagmamana” (sa pagmamamana......); “pang̃ang̃atawán” mula sa “pang̃ag̃atawán” (ang kaniyang pang̃ang̃atawán ay mabuti).
- Pahina 25, “pagiging parì” binago mula sa “pagiging-parì” (kaniláng karang̃alan sa pagiging parì); “at” mula sa “al” (hindî pá dusta at alimura).
- Pahina 29, “Ilustrísima” binago mula sa “Ilustríslma” (at humaráp sa Ilustrísima); “yung̃ib” mula sa “yungib” (sa isáng yung̃ib siyá inilagáy).
- Pahina 32, “ng̃unì’t” binago mula sa “ngunì’t” (ng̃unì’t ng̃ mabatyág ang samò); “siya” mula sa “s ya” (hinahábol siya ng̃ punlô).
- Pahina 38, “kabisang” binago mula sa “Kabisang” (tutol namán ni kabisang Tales).
- Pahina 39, “hindî” binago mula sa “dindî” (hindî ko kailang̃an ang anák); “Susmariosep” mula sa “Supmariosep” (¡Guardia sibil si Tanò! ¡Susmariosep!).
- Pahina 41, “matandâ” binago mula sa “mantandâ” (hihing̃îng sangunì sa matandâ); “pinakamatalas” mula sa “pina kamatalas” (Ang pinakamatalas sa lahát).
- Pahina 42, “magpanatá” binago mula sa “magbanatá” (magpanatá maminsánminsán ng̃ patungkol).
- Pahina 45, “pananampalataya” binago mula sa “pananampalaya” (ayon sa pananampalataya sa Pilipinas); “bilanggùan” mula sa “bilaggùan” (nádalá na sa bilanggùan).
- Pahina 48, “ipinag-uutos” binago mula sa “ipina-uutos” (sapagkâ’t lumabág sa ipinag-uutos).
- Pahina 49, “Sangkapulùang itó; kamí lamang” binago mula sa “Sangkapulùang itó. Kamí lamang”.
- Pahina 51, “dahiláng” binago mula sa “dahihiláng” (Sa dahiláng sa kinabukasan).
- Pahina 54, “itinatang̃ì” binago mula sa “itinatangì” (ang kaniyáng mg̃a itinatang̃ì lamang).
- Pahina 58, “nakapang̃íng̃ilabot” binago mula sa “nakapang̃níg̃ilabot” (nakapang̃íng̃ilabot na poók na iyón).
- Pahina 61, “pagsunggáb” binago mula sa “pagsunggáp” (nagdudumalî na sa pagsunggáb).
- Pahina 63, “pamahalàan” binago mula sa “pamahalàang” (isáng mulalâng pamahalàan).
- Pahina 64, “aking” binago mula sa “akin” (laban sa aking akalà).
- Pahina 66, “dalubhasàng” binago mula sa “dalubasàng” (ng̃ kahulugáng dalubhasàng pananalig).
- Pahina 68, “hindî” binago mula sa “kindî” (hindî kayó papayagang lumakí); “læserunt” mula sa “lœserunt” (quos læserunt et oderunt); “katungkulang” mula sa “kutungkulang” (mg̃a matataás na katungkulang ginanáp); “est odisse quem læseris” mula sa “et odisse quem lœseris”.
- Pahina 71, “angtanda” binago mula sa “ang tanda” (Nagbang̃on siyá, nag angtanda); “Siyá’y” mula sa “Sisá’y” (Siyá’y panatag).
- Pahina 77, “si” binago mula sa “ni” (ang sabing tinukoy si Sinang).
- Pahina 80, “namúmulámulá” binago mula sa “numúmulámulá” (ang ilan sa kanilá’y namúmulámulá).
- Pahina 87, “Habaña” binago mula sa “Habana” (pang̃alan ninyó’y Luis Habaña); “Antonino” mula sa “Antonio” (Antonino López).
- Pahina 90, “payo” binago mula sa “paayo” (alinsunod sa payo ng̃ kanónigo); “na warìng” mula sa “na-warìng” (na warìng nang̃ang̃ayumpapà).
- Pahina 96, “Ng̃unì’t” binago mula sa “Ng̃unìt’t” (Ng̃unì’t sa dahiláng walâng bahay).
- Pahina 100, “Makaraig” binago mula sa “Makarai” (—Makaraig,—ang sagót ni P. Irene).
- Pahina 101, “Camorra” binago mula sa “Camerra” (¿batíd bagá ninyó?—ang sigaw ni P. Camorra); “Makunat” mula sa “Makuna” (ang kabuhayang “Tandâng Basio Makunat”).
- Pahina 107, “papel.” mula sa “napel” (ang kaniyáng aklát at mg̃a papel.).
- Pahina 111, tinanggal ang naulit na “ay” sa “ay pumasok sa loób ng̃ páaralán”; “tiwalà” binago mula sa “tiwaià” (ay nakapagbíbigay tiwalà).
- Pahina 112, “¡adsum! ¡adsum!” binago mula sa “¡ad sum! ¡ad sum!”
- Pahina 118, “pamukhâng itó” binago mula sa “pamukhângitó” (na kinapapatung̃an ng̃ pamukhâng itó).
- Pahina 119, “In manus” binago mula sa “Inmanus” (In manus tuas commendo spiritum meum).
- Pahina 122, “Atqui” binago mula sa “At qui” (Atqui sa dahiláng bihirà).
- Pahina 123, “pakutyâng tumanóng” binago mula sa “akutyâng ptumanóng” (pagkatapos ay pakutyâng tumanóng).
- Pahina 124, “upang” binago mula sa “npang” (upang huwág ninyóng siràin); “hæc” mula sa “hœc” (De nobis post hæc).
- Pahina 126, “pag tumamà” binago mula sa “pag-tumamà” (ng̃unì’t pag tumamà sa biláo); dinagdag ang “na” sa “nag-aaral na tumugtóg ng̃ plauta”.
- Pahina 128, “ng̃” binago mula sa “ng” (isáng paghihinalà ng̃ masamâ).
- Pahina 131, “magagandáng” binago mula sa “maga gandáng” (sa pamamagitan nang magagandáng pang̃ung̃usap).
- Pahina 137, “tang̃ìng” binago mula sa “tang̃lng” (may tang̃ìng katalinuhan sa Maynilà).
- Pahina 141–142, dinagdag ang “at” sa “upang makapagparang̃al ng̃ kalakasán at pagkamapagsarilí”.
- Pahina 150, “nonchalant” binago mula sa “noncahlant” (na anyông nonchalant).
- Pahina 155, “Ng̃unì’t” binago mula sa “Ngunì’t” (Ng̃unì’t unawàin namân ninyó); “lumakad” mula sa “lumukad” (walâng sapín kung lumakad).
- Pahina 156, “babaing” binago mula sa “kabaing” (isáng babaing kalapít); “hukbóng” mula sa “hubkóng” (isáng hukbóng hubô’t hubád).
- Pahina 158, “kilaláng” binago mula sa “kilalán” (ating mg̃a kilaláng si D. Custodio); “sasakyán” mula sa “sasakván” (Inihatíd silá ng̃ kaniláng mg̃a sasakyán).
- Pahina 160, “bayan” binago mula sa “bayang” (hindî taga roon sa bayan ko).
- Pahina 161, dinagdag ang “ni” sa “nárito si P. Camorra!—ang sabi ni Ben-Zayb”.
- Pahina 162, “mg̃a” binago mula sa “mga” (may tandâng mg̃a sibil).
- Pahina 164, “en” binago mula sa “in” (Ang mise en scene ay malungkót).
- Pahina 166, “ng̃unì’t” binago mula sa “ng̃unì t” (ng̃unì’t ipinamamanhík ko lamang).
- Pahina 168, “pag hindî” binago mula sa “paghindî” (pag hindî iyán nagdahilán); “salitàang” mula sa “satitàang” (kaputol na salitàang umabot); “’tallá” mula sa “tallá” (porque ’tallá el mana prailes); “’ta jasí” mula sa “tajasí” (’ta jasí solo); “prailes” mula sa “praile” (¡Curioso también el maná prailes!).
- Pahina 169, “nanonoód” binago mula sa “nononoód” (ang ting̃ín sa lahát ng̃ nanonoód).
- Pahina 170, “labì” binago mula sa “labì’t” (ang mg̃a labì at sinusundán).
- Pahina 171, “lang̃aylang̃ayan” binago mula sa “lang̃aylangayan” (pugad ng̃ lang̃aylang̃ayan).
- Pahina 172, “kaniyá” binago mula sa “kiniyá” (sa mg̃a naking̃íg sa kaniyá).
- Talababa [1], “padausdós” binago mula sa “padausós” (huwag bataking padausdós).
- Pahina 173, “nagtatawanan” binago mula sa “nagtatanawan” (nagtatawanan at binibirò ang ibá).
- Pahina 175, “sa kamáy ng̃ parì” binago mula sa “ng̃ kamáy sa parì”.
- Pahina 178, “nag-aaral” binago mula sa “nag-araal” (pulúpulutóng na mg̃a nag-aaral).
- Pahina 181, “nang̃agdádaang” binago mula sa “nag̃agdádaang” (nang̃agdádaang matulin na nag-uumugong); “naliliwanagan” mula sa “naliliwangan” (naliliwanagan ng̃ isáng lámpara).
- Pahina 183, “maiitím” binago mula sa “maiitín” (kaniyáng maiitím na muog).
- Pahina 192, “kamangmang̃án” binago mula sa “kamangmangán” (sinásamantalá ang kamangmang̃án).
- Pahina 193, “minumunakala” binago mula sa “minumunukala” (“MAÑGA PANUKALANG minumunakala”).
- Pahina 200, “pulutong” binago mula sa “puluton” (tatlóng pulutong pa).
- Pahina 202, “pag hindî” binago mula sa “paghindî” (pag hindî niya kilalá).
- Pahina 203, “kapag” binago mula sa “ka pag” (muhîngmuhî kapag nakakita).
- Pahina 214, “comment” binago mula sa “camment” (Mais, comment!); “bête” mula sa “bete” (toi ici, grosse bête!); “enchantée” mula sa “enchantee” (si Lily ay lubhâng enchantée).
- Pahina 219, “kakauntîng” binago mula sa “kakautîng” (sa kakauntîng bagay).
- Pahina 220, “Sandoval” binago mula sa “Sandavol” (ang pahayag ni Sandoval).
- Pahina 221, “ng̃itî” binago mula sa “ng̃intî” (mapaít na ng̃itî sa labì).
- Pahina 222, “corporacióng” binago mula sa “corporaclóng” (ihahalál ng̃ “corporacióng” mamámahalà).
- Pahina 223, “ang” binago mula sa “anng” (At ang tumutugtóg pa namán).
- Pahina 224, “ganapin” binago mula sa “gagapin” (ang unang dapat ganapin).
- Pahina 230, “ng̃unì’t” binago mula sa “ng̃unì’i” (ng̃unì’t náding̃íg ang yabág).
- Pahina 231, “qué” binago mula sa “que” (¡Amor, qué astro eres?).
- Pahina 232, “ganang” binago mula sa “ga nang” (mg̃a kahang̃aláng sa ganang binatà); “panahón” mula sa “panuhón” (sa lalòng madalíng panahón).
- Pahina 233, “ganang” binago mula sa “ga nang” (hambúg sa ganang kaniyá; gawâng batà, sa ganang kaniyá).
- Pahina 235, “Que con” binago mula sa “Con” (Que con blando murmullo).
- Pahina 236, “Juanito” binago mula sa “Jnanito” (pagkámasíd ninyó kay Juanito Pelaez); “panibagong” mula sa “panibagon” (sa kaniyang panibagong pag-ibig).
- Pahina 241, “Paulita” binago mula sa “Panlita” (Tagláy dín ni Paulita).
- Pahina 242, “kapag nábabakás” binago mula sa “kapag-nábabakás” (kapag nábabakás ko sa titig na iyán); “si Isagani” mula sa “si-Isagani” (lumulan sa sasakyán si Isagani).
- Pahina 249, “reverendas” binago mula sa “reverandas” (masamâng parunggít sa mg̃a reverendas).
- Pahina 250, “panalang̃in” binago mula sa “panalag̃in” (tanggapín ang kaniláng mg̃a panalang̃in).
- Pahina 258, “itinatang̃ì” binago mula sa “itinatag̃ì” (ang isá na kaniyáng itinatang̃ì); “anó” mula sa “Anó” (¿anó ang ibig ni P. Fernández?).
- Pahina 259, “pagkukurò” binago mula sa “pagkakurò” (na ang kaniláng pagkukurò).
- Pahina 260, “katedrátiko” binago mula sa “ketedrátiko” (ipinamamanhík ko sa aking katedrátiko); “Kahì’t” mula sa “Ka ì’t” (Kahì’t na may pagkukuròng malayà).
- Pahina 261, “tagasiyasat” binago mula sa “tagasiyayat” (pagiging tagasiyasat ng̃ pagtuturò).
- Pahina 265, “corruptíssima in republica plurimæ” binago mula sa “corruptísima in republica plurimœ”.
- Pahina 266, “kinábukasan” binago mula sa “kinákukasan” (sa kinábukasan ay mabait na lahát).
- Pahina 273, “dugtóng” binago mula sa “dungtóng” (ang dugtóng ni P. Irene, na ang hinaráp).
- Pahina 275, “Ng̃unì’t” binago mula sa “Ngunì’t” (Ng̃unì’t ang matapang ay nilambanog); “umugong” mula sa “umugon” (umugong din ang iláng putók); “Ta” mula sa “Ya” (—¿Ta quedá dice preso Isagani?); “debí” mula sa “debé” (¡Conmigo no ta debí nada!).
- Pahina 277, “mang̃a” binago mula sa “nang̃a” (ang mang̃a sa loob ng̃ platería).
- Pahina 278, “Kapag nákita” binago mula sa “Kapagnákita” (Kapag nákita ko siyá....).
- Pahina 279, “kapitang” binago mula sa “kabisang” (Si kapitang Tiago ay nagkaroón).
- Pahina 281, “gallus” binago mula sa “gullus” (an gallus talisainus).
- Pahina 283, “iræ” binago mula sa “irœ” (ang Dies iræ); “Patrocinio” mula sa “Patrocino” (Si aling Patrocinio).
- Pahina 288, “mo” binago mula sa “no” (¿hindî mo ba nabasa).
- Pahina 289, “bahagyâ” binago mula sa “hahagyâ” (bahagyâ nang nákatulog).
- Pahina 290, “nang̃ing̃ilabot” binago mula sa “nang̃ingilabot” (si Hulî ay nang̃ing̃ilabot).
- Pahina 292, “pag patáy” binago mula sa “pagpatáy” (pag patáy na ay sakâ magsisisi); “isusumbát” mula sa “isusumkát” (ay walâng isusumbát).
- Pahina 294, “napaka” binago mula sa “na paka” (nápakamahinà, napaka walâng katibayan); “Kaawaawàng” mula sa “Kaawanwàng” (¡Kaawaawàng P. Camorra!).
- Pahina 295, “idinagdág” binago mula sa “idinadág” (dalìdalìng idinagdág ni Ben-Zayb); “kapangyarihan” mula sa “kapangyaaihan” (sa lahát ang kapangyarihan).
- Pahina 299, “pinang̃ang̃aniban” binago mula sa “pinag̃ang̃aniban” (at hindî ko pinang̃ang̃aniban).
- Pahina 311, “at” binago mula sa “al” (tapang at lakás ng̃ loob).
- Pahina 314, “rebolber” binago mula sa “robolber” (liban na lamang sa rebolber); “magiging” mula sa “magigin” (magiging siyang kakilakilabot).
- Pahina 316, “durung̃awán” binago mula sa “darung̃awán” (tumatapon sa kaniyáng mg̃a durung̃awán).
- Pahina 318, “Pagkatapos” binago mula sa “Pakatapos” (Pagkatapos ay nawawalâ).
- Pahina 319, “lalòng” binago mula sa “laòng” (sa lalòng katampatang sandalî).
- Pahina 320, “Jovem” binago mula sa “Joven” (salubung̃in ang Magnum Jovem).
- Pahina 321, “hindî” binago mula sa “hind” (hindî na lubhâng payukô).
- Pahina 323, “estreno” binago mula sa “extreno” (mg̃a salitâng “comedor estreno”).
- Pahina 327, “Mane” binago mula sa “Mame” (ibig sabihin ng̃ Mane thecel phares); tinanggal ang naulit na “sa” sa “isáng alaguwák sa pagbagsák”.
- Pahina 335, “Loleng” binago mula sa “Choleng” (ang tanóng ni kapitana Loleng).
- Pahina 336, “Chichoy” binago mula sa “Chi choy” (ang patuloy ni Chichoy).
- Pahina 337, “prayle” binago mula sa “praple” (—¿Ang mg̃a prayle?); “Quiroga” mula sa “Quroga” (—¿Ang insík na si Quiroga?).
- Pahina 341, “punò” binago mula sa “puuò” (na kinuha sa isáng punò); “lansang̃an” mula sa “lasang̃an” (alikabók ng̃ lansang̃an).
- Pahina 345, “remitirá” binago mula sa “remimitirá” (cojera remitirá vivo muerto).
- Pahina 347, “Anó” binago mula sa “anó” (¿Anó ang kahulugán); “klérigong” mula sa “klárigong” (isáng klérigong indio); “Simoung” mula sa “Simonng” (iniuudyók pa ng̃â ng̃ Simoung iyon).
- Pahina 350, “matandâng” binago mula sa “matangdâng” (nápaurong ang matandâng parì); “pagkakábiglâ” mula sa “paakakábiglâ” (Dahil sa pagkakábiglâ).
- Pahina 355, “kaniyáng” binago mula sa “kaniyán” (kaniyáng paós na ung̃ol).
- Pahina 356, “ang” binago mula sa “an” (ang sakit ng̃ isáng boông buhay).
- Pahina 357, tinanggal ang naulit na “sa” sa “naglarawan sa kaníyáng makinis na ibabaw”.
Ang web edition
na ito para sa online na pagbabasa
ay inilathala ni:
Aklatang Oratlas
www.oratlas.com/aklatan